Friday, November 5, 2010

Ako ang Pag-asa


Ako ang pag-asa ng bayan

Sa kamay nakasalalay ang kinabukasan

Ako ang pag-asa ng bayan

Halina kaibigan, tayo nang magtulungan
Isa akong Pilipino, ang lahi ng mga astig

Ang awit ng pag-asa sa tinig ko’y maririnig

Ibabahagi ang aking galing para sa bayan ko

Isisigaw sa buong mundo na Pilipino ako!

 
Dugong kayumanggi sa aki’y nananaig

Sa lahat ng pagsubok ay di padadaig

Umaraw man, bumagyo lalaban ako

Buhay ay iaalay para sa bayan ko
Marami kang pwedeng gawin

Gamitin ang talino angkin

Una sa lahat ng yung gagawing ay taimtim na panalangin

Gabay ng may Dakila ang ang iyong dalhin.
Ako ang pag-asa ng bayan

Sa kamay nakasalalay ang kinabukasan

Ako ang pag-asa ng bayan

Halina kaibigan, tayo nang magtulungan

No comments:

Post a Comment